Kano (trying to speak Tagalog): Meg-kanow isang kilow mang-gow?
Tindero: One way.
Kano: Meg-kanow?
Tindero: I sed ONE WAY.
Kano: Aynowng ibig sabeyhin ng one way?
Tindero: Isang daan. Understang?!
MMDA (with pen and ticket to a traffic violator):
Name?
Foreigner Driver: Wilhelm Von Corgrinski Papakovitz.
MMDA: Ahhh okay...(sabay tago ticket)...Next time be careful, ok?
Boy: Nanay anong ulam?
"Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.
Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?
Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan!
Junior: Nay, bibili ako ng HIGH CAKE.
Nanay: Hindi high cake, anak. HOT CAKE yun.
Junior: Ok nay, watever. Pahingi nalang ng barya.
Nanay: Sige, kumuha ka nalang dyan sa SOLDIER BAG ko.
Sa isang ospital...
Lola (may cancer) : Doc, anong gagawin nyo sa akin?
Doc : Che-chemo lola.
Lola : Titi mo rin!!! Bastos ka!! walang modo!!
Boy: Nay! Muntik na akong maging number one sa klase!
Nanay: Bat mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung number 1 sa klase. Ang tinuro ni ma'am yung katabi ko. Muntik na ako.
Bush visited the Philippines and Erap acted as his
translator:
Bush: Lets help one another.
Erap: Tayo'y magtulungan.
Bush: Let's strive together.
Erap: Tayo'y magsikap.
Bush: Because in union there is strength.
Erap: Dahil sa sibuyas may titigas!
Hating-gabi, hot si misis. Haplos niya ilong ni mister, kiliti
niya sa leeg, saka bulong malambing sa tenga.
Misis: Love, ala na ko panty.
Mister: Huh! Cge, tulog na, bukas ibili kita.
TEBAN: Pare sinong idol mo?
GOLIATH: Si Arnold Schwarzenegger.
TEBAN: Sige nga, spell Schwarzenegger.
GOLIATH: Hindi, joke lang pare, si Jet Li talaga idol ko.
Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima: Ikaw na bahala..basta pareho po yan walang laman!
Pare1: Pare, bat naman hanggang ngayon wala ka pang
syota? wala ka pa bang
napupusuan?
Pare2: Meron.. Manhid ka lang!
(nyahahahaha!)
Sa isang mumurahing airline:
Stewardess: Sir, would you like some dinner?
Passenger: Ano ba ang mga choices?
Stewardess: Yes or No lang po
Pare 1: Pre, nasusuka ako kaya lang di ako masuka
Pare 2: Madali lang yan, pre ~ sundutin mo tonsils mo
(pare 1 sinundot ang tonsils ..)
Pare 1: Di pa rin e
Pare 2: Hmmmmm ... sundutin mo pwet mo
(pare 1 sinundot ang pwet ...)
Pare 1: Wala pa rin
Pare 2: Ngayon, tsaka mo ule isundot sa bibig mo ...
(pag hindi ka pa masuka nyan ewan ko na!!!!!)