kung ayaw mo ng baboy at kung nakahithit ka na ng astro cigarette ay sigurado ako na kilala mo sya. At sya rin ang nagpasikat ng katagang "Tangina mo Andaming Nagugutom sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin".
Sya si Lourd De Veyra, vocalista ng Radio-active Sago project at ang natatanging sugo ni Elvis.
At sya rin ang nagbigay sa akin inspirasyon kung bakit ninais kong ipagpatuloy ang blog na ito. ang kanyang musika, ang kanyang tula at ang kanyang Word of the Lourd. Ang kanyang mga salita ang naglabas sa akin sa kadilimang aking kinasasadlakan, ang nagmulat sa aking mga mata sa Kaamunduhan este sa katotohanan pala.
kaya kung gusto ninyong maliwanagan ay maunawaan ang aking mga sinasabi ay panoorin nyo na lang sa TV5 ang the evening news, kung saan ipinapalabas ang Word of the Lourd o kung katulad ko rin kayo na bihira hindi pa nakkkita ng telebisyon ay panoorin nyo na lang sa youtube channel na http://www.youtube.com/user/tv5theeveningnews.
Mahalagang Pabatid
Wag nyo pong kakalimutan sa susunod na Halalan, iboto nyo po si Lourd De Veyra for President. Dahil si Lourd De Veyra ay Madaling Lapitan, Mahirap Hanapin.
No comments:
Post a Comment