Payabangan
PARE 1: Naaalala ko si junior ko. Napakagaling na bata. Biruin mo, sariling sikap lang na nakapag-aral sa America. Ngaun abogado na. Sa New York nagtratrabaho. May sarili na siyang Law Firm doon. Huli kong balita kay junior, sa sobrang yaman ng anak ko na yan, binigyan lang ng mercedez benz yung isang kaibigan.
PARE 2: New York ba ikamo? Doon din yung isang panganay ko eh.. Businessman.. Graduate ng Yale. Scholar din siya. Ang dami ngang negosyo ngayon ng batang iyon. Iba-iba. Kaya ako’y proud na proud diyan sa anak ko na ‘yon eh. Gusto talagang makatulong. Yung isang kaibigan niya nga eh, balita ko binigyan niya nung isang apartment sa Manhattan.
PARE 3: (With his head bowed) N-Nakakahiya naman pala sa inyo, mga kumpare. Ako kasi’y pinagbagsakan ng langit at lupa nung nalaman kong ang kaisa-isa kong lalaki ay naturingang bakla. Mangyari’y hindi lang bakla, kundi napakalanding bakla. Ang damuhong iyon, ang huli kong balita ay nangangaliwa pa yata ang hinayupak ng lintek, dalawa-dalawa pa ang BOYPREN. Pareho kasing mayayaman. Yung isa binigyan siya ng mercedez benz, at yung isa nama’y ibinahay siya sa Manhattan.
No comments:
Post a Comment