Saturday, January 31, 2009

Payong Kaibigan ni Bob Ong


Para sa mga nasaktan

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

Para sa mga inlove
"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

sa mga tinatamad magaral
"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtiityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."

at pra sa mga totoong tao
"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.
In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

kaya FACT you! kayo buwahahahaha

1 comment:

~~m$. DoNNA~~ said...

based!

got it!!

parang nabasa ko na yang mga yan ah..
kay BOB ONG? tama ba? hehehehe..

Anyway, have A Happy valentines day!!!

thanks for the visit