Thursday, July 24, 2008

Panimulang Pagbati

Dalawampu't pitong taon ng buhay ko ang umiikot lamang ng parang trumpo, paikot-ikot,paulit-ulit at tila walang patutunguhan. minsan nagmamahal at mapalad na minsan minamahal ngunit sa huli laging nasasaktan.
Nangangarap at nanunungkit ng bituin, pinipilit abutin kahit batid na ito'y imposible kaya kung malaglag masakit. hinahangad na makamit ang nais ngunit kahit anong pilit parang lobong lumilipad palayo. iiyak na lang minsan at iisiping inaapi ng buong mundo at kahit anong pilit na lumaban ay parang napakaimposibleng magwagi lalo na kung ang pinakamahigpit mong kalaban ay ang iyong sarili.
kung sakaling ikaw ay magagawi sa pahinang ito at ika'y magulumihanan ay wag na lang piliting unawain dahit kahit ako na may akda ay hindi batid kung anong silbi ng mga nakasulat d2. tatapusin ko na lang ang lathalang ito sa pagsasabing ito ang aking kwento.
magulo, masalimuot at walang kasaysay-saysay.