Thursday, April 15, 2010

Tagalog Knock Knock Jokes Compilation

Dahil sa nauuso nanamang muli ang Knock-Knock Jokes. Eto ang ilan sa mga napulot kong Knock-Knock Jokes mula sa mga kaibigan ko dito sa Elbi, pati na rin yung mga taong hindi ko kilala pero pinakinggan ko ang Knock-Knock nila habang naglalakad. Wee. Wag ng kumontra kung corny. :]

Ganito na lang ang scheme para tipid sa space.

Knock! Knock!

Who’s there?

______.

______ who?

______. (music)

  1. Cashew Nut. Don’t tell me you’re sorry Cashew Nut. ~
  2. Ginabing Kokey. Just dance, ginabing kokey. Dadoodoom.
  3. Come back to me. Come back to me bok ang puso. Wala ka ng magagawa kundi sundin ito.
  4. Kangkong, Kangkong, Greenwich, Tomato. New York..kangkong, kangkong, greenwich, tomato. Now you’re in New York! New York!
  5. Sinigang. Sinigaaang! Sandal ka lang. At wag mong pipigilan.~
  6. Solusyon. Solusyon, sa Visayas, at sa Mindanao!
  7. Civil War. Civil war ang tunay na mahirap. Civil war ang tunay na may malasakit.
  8. Inday. Indaaaaaay will always love you.
  9. Avril Lavigne. Avril Lavigne yooou forever. Deep inside my heart it’s yooou forever.
  10. Ay Dyusko! Ay dyusko to say I love you, Ay dyusko to say how much I care.
  11. Phone na Nokia. Phone na Nokia, di sinasadya. Di kayang magtapat ang puso ko.
  12. Kamuning. Kamuning get me, get me, get me. Baby i’m yours. Kaamuning get me.
  13. Russian Patay. Wise men say, only fools Russian, patay can’t help, fallin in love with you.
  14. Terminal. Terminal..every now and then i get a little bit lonely..
  15. Alfred. Alfred my wings and i learned how to fly..
  16. Bumili ng bagong folding bed. Bumili ng bagong folding bed (mad at you).
  17. Pikachu. No, I don’t wanna go to bed (pikachu).
  18. Fire, apoy. If fire apoy, I think I could understand.
  19. River boat. River boat young when I first saw you. I close my eyes.
  20. Lady Gaga. Kung Lady Gaga ka.. sa piling ng iba..
  21. Para, Mamang Taxi. I’m your biggest fan, I’ll follow you until you love me. Para, mamang taxi.
  22. Nido Gatas. I Nido boo, gatas see you boo.. and the hearts all over the world tonight. said the hearts all over the world tonight.
  23. I-autoload mo ako. How much? Magkano? Nothing’s gonna change my love for you, i-autoload mo ko. how much? magkano?
  24. Soon to Open: Pan de Manila. Uno, dos, tres, soon to open Pan de Manila.
  25. Pritong Saba, Pritong Mani, Sinigang, Kare-kare. Pritong saba, pritong mani, sinigang, kare-kare. Hallelu— Hallelujah.
  26. Tagabitbit Putobumbong. Tagabitbit. Tagabitbit. Tagabet bet bet bet bet. Putobumbong. putobumbong. Putobumbong.
  27. Kabag Again. Now i’m speechless, over the edge of this breathless. I never thought that I would catch this, the kabag again.
  28. Melon, Kangkong, Mais, Gulaman, Talong. Melon kangkang mais gulaman. Maari bang mag-talong?
  29. Medicine. Bayang magiliw.. medi-cine.
  30. Kinurot ko. Kinurut-kurot ko pa. Kinurot ko. Kinurut-kurot ko pa. (intro - always be my baby - mariah)
  31. The Hill and Cow. The hill and cow ang sigaw ng puso ko. Ikaw ang nasa isip ko.
  32. Honda. Honda first day of Christmas, my true love sent to me.
  33. Honda ulit! Honda wings of love! Up and above the clouds the only way to fly, is Honda Wings of Love.
  34. Pacquiao. But it’s over now. Come on and take Pacquiaooo.
  35. Lasengga. All lasengga ladies. All lasengga ladies. Put your hands up!
  36. Twenty-one. 7 + 7 + 7.. Twenty-one.. 7 x 7 x 7, yan ang hindi ko alam!
  37. BDO. Watch me on your BDO Phone. BDO phone.
  38. Dina Bonnevie, Gary V. Dina Bonnevie my lover, Gary V with my friends.
  39. Lactum. I Lactum move it move it!
  40. Pekpek. You are~ pekpek. you are~ pekpek.
  41. Pulis may wang-wang. Pulis may wang-wang-wang! Shorty fire burning on the dance floor. Ooh~
  42. Tuna Pie. Tuna pie, tuna limit, tuna wall~ for a chance to be with you i’d rather risk it all. Tuna pie, tuna fever come what may! ~
  43. China. Chinaaa~ ika’y muling makita ko. Damhin ang tibok ng puso mo.
  44. Buko Shake. Voulez buko shake avec moi ce soir. Voulez buko shake avec moi ye ye ye ye.
  45. Mighty Mouse. Mighty mouse outside Chicago. Can’t stop driving I don’t know why~
  46. Brunei. May nagmamahal, aakay sa’yo. Aking Brunei ikaw ang nagbigay ng buhay kooo~
  47. What can be? What can be? bitiw bigla. What can be? bitiw bigla. Higpitan lang ang yong kapit..
  48. Coca Cola. Coca cola na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa.
  49. We were Aswang. We were aswang babe. For a moment in time.
  50. Little Manuel. I’m not crazy, I’m just a little manuel. I know, right know you can’t tell.
  51. Abby. Abby loving you~ forever! Deep inside my heart its you. Forever.
  52. Lesbians. So lesbians, lesbians for love. Lesbians, lesbians tonight!
  53. I’m a friend. I’m a friend to fly. and I don’t know why?
  54. Korina - Mar Roxas. Oooh~ ooh~ Korina-Mar Roxas.
  55. MOA. Girl you know MOAAA, girl you know MOAAA. (birthday sex)
  56. Thesis. Thesis the moment, my final test.
  57. Cheesy palaman sa tasty. No he ca’t read my poker face (cheesy-palaman-sa-tasty). popopoker face popopoker face.
  58. New Zealand. New Zealand ka sa mundong ito. Laking tuwa ng magulang mo.
  59. Knock knock. Knock knockaligo ka na ba sa dagat ng basura?
  60. Canada. Nakaligo Canada sa dagat ng basura? (OMFVillar! WTF! LSS!)
  61. Joana. I joana close my eyes! I joanna fall asleep.
  62. Pussy Cat. Mag-pussycat! mag-pussycat. Dito sa showtime lahat tayo pussycat!
SOURCE : http://mashundie.tumblr.com/post/462310104/the-knock-knock-compilation

Wednesday, April 7, 2010

More Tagalog Pickup lines

mekaniko ka ba? kailangan ko kasi ng magkukumpuni ng puso ko

Miss apoy ka ba? kasi "ALAB" u

Tinatanong ng nanay ko kung kapuso ka ba? kasi gusto ka nming gawing kapamilya

Cguro sa inuman malalaki ang matitipid ko, kasi tinitingnan pa lang kita tinatamaan na ako.

sana mura ka na lang para pwede kang mahalin

Kailangan mo ba ng tutor? tuturuan kitang mahalin ako.

Surgeon ka ba? kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng nakasara ko nang puso ko.

Geometry ba ang favorite subject mo? Kasi kahit anong angle, ang ganda mo.

para kang traffic sa EDSA, coz i can't move on...

Alam ko na bakit ang init ngayong summer. ang hot hot mo eh

parang kang ovaltine. i just can't get enough

Para kg TABLE OF CONTENTS. Dahil ikaw ang topic ng bawat pahina ng buhay ko

Boy: Pwede bang tabi tayo kapag nagstart na ang quiz?
Girl: Bakit?Mangongopya ka na naman!
Boy: Hindi ah. Kasi I feel perfect when i'm beside you.

Thursday, April 1, 2010

HOw to deliver Bad news

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."

'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa ibong 'yon.
Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo,
Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg? "

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang
pinagsasasabi
mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba
po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab
'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut*#*@?!@ .... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.
Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating
dito
nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas
hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril
ko."@n@#$%^W&&*

Payabangan

Payabangan

PARE 1: Naaalala ko si junior ko. Napakagaling na bata. Biruin mo, sariling sikap lang na nakapag-aral sa America. Ngaun abogado na. Sa New York nagtratrabaho. May sarili na siyang Law Firm doon. Huli kong balita kay junior, sa sobrang yaman ng anak ko na yan, binigyan lang ng mercedez benz yung isang kaibigan.

PARE 2: New York ba ikamo? Doon din yung isang panganay ko eh.. Businessman.. Graduate ng Yale. Scholar din siya. Ang dami ngang negosyo ngayon ng batang iyon. Iba-iba. Kaya ako’y proud na proud diyan sa anak ko na ‘yon eh. Gusto talagang makatulong. Yung isang kaibigan niya nga eh, balita ko binigyan niya nung isang apartment sa Manhattan.

PARE 3: (With his head bowed) N-Nakakahiya naman pala sa inyo, mga kumpare. Ako kasi’y pinagbagsakan ng langit at lupa nung nalaman kong ang kaisa-isa kong lalaki ay naturingang bakla. Mangyari’y hindi lang bakla, kundi napakalanding bakla. Ang damuhong iyon, ang huli kong balita ay nangangaliwa pa yata ang hinayupak ng lintek, dalawa-dalawa pa ang BOYPREN. Pareho kasing mayayaman. Yung isa binigyan siya ng mercedez benz, at yung isa nama’y ibinahay siya sa Manhattan.