Sunday, December 12, 2010

Tagalog Kowts Collection 01

Kahit ano pa sabihin nila…mali man o tama, mamagitan man sila sa ating dalawa, sabihin pa nilang iba ka…pakialam ko sa kanila! Basta importante…ikaw at ako magkasama at sigurado akong mahal na mahal kita!

     Kahit anong tindi ng dasal ko, isa lang akong sirang nangangarap sa’yo. Alam ko hindi mo ako mahal at hindi ka magiging akin. Isa kang pangarap na hindi ko maaabot, dahil lahat ng pinapangarap mo kahit kailan hindi magiging ako. 

Kahit hindi mo man ako isipin, iniisip pa rin kita. Wala ka mang pakialam sa akin, may pakialam pa rih ako sa’yo! Tapos tatanungin mo ako kung bakit?! Ano bang magagawa ko?! Eh…mahal kita… 

  “Kahit masakit, pinilit kitang kalimutan...kahit masakit, pinilit kong huwag umiyak...kahit masakit, pinilit kong huwag magtiis...pero kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang mahal ko eh...kahit masakit!” 

 Kahit na magkalayo tayo lagi mo tandaan nandito ako kaya kung malungkot at naiiyak ka ipakita mo mga mata mo at naririnig mo ako: “____, nandito ako lagi para sa’yo…..”
 
Kahit nasasaktan ang isang tao, pinipili pa rin niyang magmamahal...bakit? Dahil ang puso hindi mo kayang turuan...patuloy itong titibok, patuloy na magmamahal...  

   Kahit sino basta mahal mo at patuloy mong minamahal, hindi pwedeng hindi ka masaya, hindi pwedng hindi ka iiyak, hindi pwedeng hindi ka mabibigo, hindi pwedeng hindi ka masasaktan...dahil iyan ang mga katangian ng tunay na nagmamahal!
 
 Kahit uso ang letting go, I won’t let go of you. Kahit uso ang giving up, I won’t give up on you. Kung baduy ang mahalin ka, baduy na ako. Mawala na ako sa uso, basta hindi ako mawala sa’yo.” 

 Kaibigan? Oo, kaibigan mo lang ako...takbuhan kapag may problema ka sa kanya...iyakan kapag sinasaktan ka niya...tapos iiwan...babalik kapag iiyak ulit...Eh ako?! Kanino ako iiyak tuwing nasasaktan ako dahil sa’yo? 

 Kailan ba kita nakita? Kanina yata eh! May kasama ka pa nun di’ba? Tinawag kita hindi mo ako pansin! Hanggang makita mo ako, napayuko ako! Kasi sabi mo “Di’ba tapos na tayo?! Ano pang kailangan mo?!”  

Kailan kaya darating ulit yung araw na tayo'y magkasama muli? Na tayo’y magiging masaya at mamahalin pa rin ang isa’t-isa? Maghihintay pa rin ako...Pero kailan nga kaya?...Ah...siguro kapag nakalimutan mo na siya. 

Kailan kaya yung huli tayong nag-usap? Umiyak? O tumawa? Ok lang kung hindi na natin maalala, ang importante…na-miss kita...SOBRA!!! 

Kailan mo ba malalaman na mahal kita? Kapag wala na ako? Siguro…pero sana naman malaman mo na…hirap na ako, pagod na akong iparamdam sa’yo na mahal kita…manhid ka ba talaga? 

 Kailan mo masasabi na hindi mo na siya mahal? Yung talagang nakalimutan mo na siya. Kahit magmakaawa siya tatalikuran mo. Hindi mo masabi no? Dahil ang totoo, makita mo lang siya handa ka na para MAGPAKATANGA. 

 Kailangan ko pa bang umiyak para malaman mong nasaktan mo ako?...Kailangan ko pa bang sabihing kailangan kita para malaman mong yun ang totoo?...at higit sa lahat...kailangan ko pa bang iwasan ka para mahalata mong mahal kita?... 

 Kainis! Bakit ba ako bumalik sa taong akala ko mahal ko! Yun pala ikaw talaga mahal ko…at nandyan ka lang nagpapakatanga…hindi ko napansin yun…sana pagbalik ko nandyan ka pa rin.
 
Kainis ka! Tuwing namimiss kita, nagagalit ka! Malay ko ba na “Missed Call” nakalagay diyan sa cell mo…Akala ko kasi, “Missed You”…
 
Kainis talaga kapag in-love...ginawa mo na lahat para mahalin ka niya pero hindi umubra! Pero huwag ka mag-alala dahil kung hindi na siya tanga...darating ang time na sasabihin niya “pucha, sana minahal kita!!!”
 
Kakainis kapag katext love mo...akala mo mahal ka din niya kung magtext siya ng love quotes. Super sweet...tapos ikaw naman si tanga, feel mo may deeper meaning...tapos kapag nagtapat ka na...sabihin sa’yo "Sineryoso mo? Quote lang yun!" 

 Kanina lang I made a list of my special possessions and I wrote them down with a pencil… I included your name but I used a permanent marker because I want to keep you in my list forever.
 
Kanina may naghahanap sa’yo at gusto kang patayin…ayaw kitang mapahaman kaya hindi kita itinuro…kaya heto ako, nag-aagaw buhay…kasi binaril niya ako sa puso ng malaman niyang doon kita itinago!
 
Kanina pagkain ko face mo nasa plato. Pag-inom ko mukha mo nasa baso. Ano ba ito? Pati ba naman sa banya mukha mo nasa inodoro. Hindi ko nga binuhusan!
      Kapag ako may MAHAL…mahalaga siya sa akin…kaya hindi ko siya pwedeng kalimutan…alam mo ba yun dapat alam mo yun kasi ikaw yung MAHAL KO tandaan mo yun ha… 

 Kapag ako namatay...malulungkot ako...lalo na kapag hindi ako nakapagpaalam sa’yo...pero huwag kang mag-alala...babalikan kita...hindi para takutin...kung hindi hug kita at sasabihing “una na ako ha...”  

Kapag ang tao pala palaging nandyan, nangungulit, nangungumusta, nagpapapansin sa’yo, hindi mo marerealize na kailangan mo siya. pero once na iniwan mo siya at nawala, saka mo malalamang, mahalaga siya sa’yo. Kung pwede ko lang sanang bawiin lahat ng sinabi ko… 

 Kapag ba nawala ako, hahanapin mo ako? Malulungkot ka ba? Mami-miss mo ba ako? Kung oo sagot mo…sana nga mawala na lang ako…para naman kahit minsan maramdaman ko…importante din pala ako sa’yo… 

 Kapag dadaan siya, dead-ma ka lang. Kapag katabi mo, dead-ma ka pa rin. Kapag inaasar siya sa’yo, sige lang dead-ma lang. Bakit hindi…eh dinedead-ma ka din niya di’ba? 

    Kapag dumating ang isang araw na malaman kong dalawa na kaming mahal mo, hindi kita papipilin sa aming dalawa hahayaan na lang kita sa kanya! Bakit?! Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung talagang mahal mo ako di’ba?! 

 Kapag dumating yung time na may mahal ka ng iba tell me. Kung mahal at masaya ka sa kanya maiitindihan kita. Kasi mahal kita gusto ko maging masaya ka. 

 Kapag hindi alam ng mahal mo na mahal mo siya…masasaktan ka ng hindi sinasadya…kaya kapag nagshashare ka tungkol sa kanya…sinasabi ko lang…”Ows? Talaga?!”…kahit na ang totoo…”Shit! Tangina!” 

Kapag hindi mo na ako mahal, huwag mo na lang sabihin sa akin, baka kasi hindi ko kayanin, alam mo naman, kapag wala ka na, ang buhay ko, wala ng kwenta...
 
Kapag ikaw ang iniiyakan ng lalaki…swerte mo…mahal ka nga niya! Pero kapag ikaw ang umiiyak dahil lang sa kanya…hindi ka lang malas…tanga ka pa! Lalaki lang yan! Pwede ba?!
 
Kapag ikaw malungkot iyak lang...iyak lang ng iyak! Ubusin mo luha mo...pero tandaan mo yung lugar ng unang patak ng luha mo...doon papatak ang dugo ng nagpaiyak sa’yo... 

   Kapag ikaw nawala sa akin…tatawa ako! Nang malakas na malakas…! Sobrang lakas…WAHAHAHA! Pero alam mo ba kung nasaan ako?! Nasa MENTAl! Nabaliw ng dahil SA’YO… 

 Kapag ikaw sad...nandito lang me...kapag away ka nila...away ko sila...wala me pakialam kung maging dami man kaaway ko...basta alam ko you’re special kaya ayaw kong ma-hurt ka...love kita eh!… 

  Kapag in-love, masaya kapag lagi siyang nandito pero kapag biglaan kang iniwan agos ang LUHA sa mugtong mata masasabi mo na lang sa kayakap na kaibigan…”kahit MAHAL ko siya putang-ina nya" 

 Kapag kumanan ako, umaasa lang ako...kapag sa kaliwa, nasasaktan naman ako...nung dumeretso ako, ikaw naisip ko...bakit ganon? Isa lang ba talaga direksyon ng buhay ko? Laging balik sa’yo? 

  Kapag magulo mundo mo, kapag iniwan ka ng lahat ng mahal mo at walang nakikinig sa’yo...sana lapitan mo ako...at hindi ako magdadalawang-isip na sabihing...“Tara, sasamahan kita...iwan natin ang mundo...” 

   Kapag mahal mo ang isang tao…magtitiis ka na ipaglaban siya…unawain siya…at…mahalin siya…kahit alam mong…hindi ka na nya kayang mahalin pa… 

   Kapag mahal mo lahat gagawin mo. Noong minahal kita sinabi mo layuan ko mga kaibigan ko para wala kang kahati sa atensyon ko. Ngayong wala na tayo, hindi ko alam kung saan tatakbo, lahat sila nagtampo dahil pinagpalit ko sila sa tulad mo! 

No comments: