Sunday, December 12, 2010

Tagalog Kowts Collection 02

Kapag mahal mo, gagawin mo lahat…kahit masakit, kahit hindi mo kaya...pero bakit ba…nagiging masakit?...kasi patuloy ka pa ring umasa…na mamahalin ka rin nya…kahit alam mong: “HINDI NA” 

   Kapag mahal mo isang tao...lahat gagawin mo para sa kanya...kahit masakit...kahit mahirap...kahit magmukha kang tanga...mamahalin mo pa rin siya...kahit may mahal na siyang iba... 

   Kapag mahal mo isang tao maghihintay ka kahit gaano katagal…tatanggapin lahat ng sakit. Gagawin lahat para sa kanya, pakakawalan kung ayaw na niya. masakit pero gagawin mo. Mahal mo eh…sakit di’ba? 

   Kapag mahal mo pala ang isang tao, mahirap kalimutan...kahit umibig ka na sa iba, siya pa rin nasa isip mo...pero hanggang kailan ka magtitiis sa pag-ibig na alam mo kahit kailan hindi na para sa’yo... 

  Kapag may mahal na iba yung taong mahal mo…dapat masaya ka para sa kanya! Di’ba parang kalokohan yun!? Lolokohin mo sarili mo na masaya ka, eh ang totoo halos mamatay ka na nga sa selos eh! 

  Kapag may taong nagmamahal sa’yo, ayaw mong aminin na nahuhulog ka na sa kanya. Natutuwa ka kapag nandyan siya pero ayaw mong pahalata. Paano na lang kung umiwas siya? Hindi mo rin ba aaminin na nasasaktan ka? 

   Kapag may umaway sa’yo, gagawin ko ang lahat para maipagtanggol kita, kahit sino pa o ano pa siya. Pero baka magising na lang ako na nasa harap kita at sabihin mong “Bakit mo ginawa yun, ano ba kita?” 

  Kapag na-hurt ka, huwag ka susuko...kapag natakot ka, huwag ka magtago...kapag nadapa ka, matuto ka tumayo...hindi dahil I don’t care for you...loves nga kita eh! Kaya gusto ko kahit wala na ako, you can stand on your own... 

  Kapag na in-love ka...wala kang pakialam sa earth...wala kang pakialam kung sino ang masasaktan...wala kang pakialam kahit magpakatanga ka na...wala akong pakialam basta ang alam ko...”Mahal kita...paki ba nila?" 

   Kapag nagmahal ako, yung kagaya mo... Kapag umibig ako, yung katulad mo...pero paano kung...wala ng katulad mo? Wala ng kagaya mo? Hindi po ba pwedeng...ikaw na lang ang mahalin at ibigin ko?... 

  Kapag nagmahal ka, dumadating ang pagkakataon na, magiging matamlay ka, tatamarin ka, at magsasawang mahalin siya, pero paano kung nauna siya? Naunang magsawa sa’yo? Matatanggap mo ba? 

  Kapag nagmahal ka hindi baleng sabihin nilang martir ka…basta binigay mo lahat, mahalin mo siya ng sobra…para kung sakaling iwan ka niya, masasabi mong: hindi ako ang nagkulang…siya! 

 Kapag nagmahal ka, hindi lahat ng bagay pwede mo ibigay...dahil sa bandang huli baka magsisi ka...kung sino yung minamahal mo ngayon sa huli siya rin ang iiwan at sisira sa’yo.... 

   Kapag nagmahal ka lahat daw pwede…pero hindi, dahil kahit ubusin mo pa luha mo, mangako ka pang mag-hihintay ka, mapapagod ka din, mahirap kasing ipaglaban ang sinasabi mong pagmamahal kung ikaw lang ang nakakaramdam… 

   Kapag nagmahal ka, magtira ka sa sarili mo...huwag bigay lahat, buhos todo-todo para kapag dumating yung araw na hindi na siya mahal mo...masasabi mo lang sa sarili mo: “tangina, nagkamali ako!” 

  Kapag nagmahal ka ng taong hindi para sa’yo, masasaktan ka lang, kaya dapat piliin mo ang taong mamahalin ka din kasi…ayoko maramdman mo ang sakit na naramdaman ko…noong minahal kita… 

 Kapag nagmahal, minsan masaya...pero mas madalas, masakit...tapos tatawagin ka pang tanga ng iba! Kasi sinaktan ka na, sinasabi mo pa...”Paano siya?” Hindi mo ba naisip?...”Ikaw, paano na?” 

 Kapag nakita mo na masaya ang mahal mo sa piling ng iba…huwag kang malungkot o umiyak…isipin mo na lang na masaya siya dahil…mukhang CLOWN ang kasama niya! hehe… 

 Kapag namatay ako, ang huling hiling ko lang sa buhay ko, alam mo habang nalalaglag ang kaluluwa ko, ikaw ang una kong hahanapin at ikaw ang una kong taong yayakapin ng mahigpit at sa’yo lang din ako magpapaalam para makonsyensya ka sa mga pinaggagagawa mo sa akin…at huling sasabihin ko sa’yo na mahal na mahal kita…kahit ginaganyan mo ako… 

   Kapag namatay ako, huwag kang iiyak ha! Kasi kapag umiyak ka, ibig sabihin mahal mo ako! Masakit kasing isipin na kailangan ko pa palang mamatay bago ko malamang mahal mo pala ako!!!! 

   Kapag namatay ako idodonate ko puso ko sa taong magmamahal sa’yo hindi para mahalin mo kundi para mahalin ka niya tulad ng pagmamahal ko. Ganyan kita kamahal…!! 

   Kapag namatay ako...isa lang ang hiling ko...sana nandoon ka at umiiyak...pero huwag na lang siguro...bakit??...nandoon ka nga umiiyak...kasama at kayakap mo naman siya...
  
    Kapag namatay ako…nandoon ka at umiiyak…kaya lang…patay na ako…nasasaktan pa rin…dahil umiiyak ka…dahil sabi mo…”mahal na mahal ko yang kaibigan kong yan,” Ay..kaibigan lang?!
    Kapag wala ka na, hindi na ako iiyak. Kapag wala ka na, hindi na ako malulungkot. Kapag wala ka na, hindi na ako takot. Kapag wala ka na, hindi na ako magmumukhang tanga. Alam mo kung bakit? Kasi kapag wala ka na, wala na rin ako…
  
    Kapag wala ka na sa buhay ko...eh di ok! Wala na me problema! Pero pwede ba huwag mo na lang me iwan? Kasi mas gusto ko pang problemahin ka...kaysa mamrublema dahil wala ka na...
      Kapag wala na ako, siguro hindi yun kawalan sa’yo, hindi yun makakaapekto sa’yo. Pero gusto ko lang malaman mo...lungkot ako...bakit? Kasi wala kang ginawa, hinayaan mo lang ako mawala...
  
  Kapag sila nasaktan ayos lang. Kapag ako ang lumuha ayos lang. Pero kapag ikaw ang umiyak, wala lang sisigaw lang ako…Pucha! Kaibigan ko yan ha! Ano? Sapakan na lang!
  
  Kapag sinabi ko sa’yong mahal kita, mahal kita. Huwag mo sanang isipin na pinaiikot at pinaglalaruan lang kita. Ang sakit kasi eh. Alam kong tanga ako para magmahal ng taong may mahal nang iba, pero hindi ko kayang saktan ka. Pwede ba? Hindi ako ganon katanga.
  
  Kapag sinabi kong mahal kita, baka hindi mo matanggap, baka mapahiya lang ako, baka masira pa tayong dalawa kaya hindi na lang ako magsasalita...baka mawala ka...
  
Kapag sobrang lapit mo sa kaibigan, di’ba minsan natututunan mo siyang mahalin? Kaya nga, huwag ka nang masyadong lalapit sa kanya ha? Baka kasi mahalin mo siya eh, tapos para sa’yo…wala na lang ako…
  
Kapag umalis ka, maiiwan mo ako…pero hindi ibig sabihin nun magmamahal na ako ng iba…ano pa bang hahanapin ko kung lahat ng kailangan ko…nasa iyo na…hihintayin na lang kita…

Kapag umibig ka, huwag kang tanga! Kapag niloko ka, iwan mo! Kapag sinaktan ka, palitan mo! Gamitin mo yung utak mo! Huwag ka gagaya sa akin. Dahil sa kakaibig ko sa kanya, sarili kong utak dinidiktahan…

Kapag wala ka na...hindi na ako malulungkot...kapag wala ka na...hindi na ako masasaktan...kapag wala ka na...hindi na ako iiyak...kasi kapag wala ka na...parang wala na rin ako...
  
Kapag wala na ako...gusto ko makahanap ka ng tulad ko, tulad ko na nagmahal at nagbigay-alaga sa’yo. Hindi mo man naramdaman pero yun…yun…ang tunay at totoo…

Kapag wala na ako, makakalimutan mo na boses ko…yung tawa ko, yung ngiti ko, yung pangalan ko…pero alam mo, kahit ganon, masaya na ako kasi alam ko na minsan…may isang makulit na “_____” sa buhay mo!!!

Kapag wala na ako, siguro hindi ‘yun kawalan sa’yo. Hindi yun makakaapekto sa’yo. Pero gusto kong malaman mo na lungkot ako...bakit? Kasi wala kang ginawa...hinayaan mo lang ako mawala...

Kapag wala na tayo, wala ng masasaktan, maraming magbabago pero isa lang  ang sigurado ko...iiyakan kita! Dahil mahal kita higit pa sa buhay ko!

Kaya ko ng wala ka, nagawa ko ng kalimutan ka, natago ko na ang sakit na nararamdaman ko...nailabas ko na ng lahat ng luha ko...pero bakit kailangang tumingin ka pa...ayan tuloy mahal na naman kita...

Kaya kong tuyuin ang iyong mga luha sa bawat sakit na iyong mararamdaman ngunit kailan mo kaya mapupuna ang aking luha? Pareho lang tayong nasasaktan… ikaw sa kanya at ako sa’yo…

Kaytagal kong tinagong mahal kita...alam kong mahal mo siya pero sasabihin ko pa rin ang aking nadarama...nakita kita...nakangiti habang ako’y paparating sabay hirit, “Uy, kami na!”

Knock on my heart and the door will be opened for you. Cute noh? Well, unfortunately this quote doesn’t apply to you coz you don’t have to knock anymore, you’re already inside my heart...

 Knowing how to lose is often just as important as knowing how to win...so when you fall, know how to get up! Be yourself and say: “Nandyan naman si “_____” eh...hindi ako iiwan non!”

 Kumatok ka sa puso ko, sabi ko tuloy ka...ngunit umalis ka, isinama mo susi nito...tanong ko lang, babalik ka pa ba... hindi kasi mabuksan ng iba?

Kung ako lang sana ang pinangarap niya, eh di lagi na akong masaya…kung ako lang sana ang pinili niya, hindi na siguro maghhirap pa…kung ako na lang sana ang minahal niya, eh hindi na ako luluha pa…kaso lang hindi eh… meron na siyang iba…
Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan...kung alam mo lang kung gaano ako nahirapan...kung alam mo lang kung gaano kita kamahal...kung alam mo lang siguro...hindi mo ako iniwan...

Kung dapat akong umiyak sa isang tulad mo…gagawin ko! Hindi ako manghihinayang sa mga luhang mawawala dahil…higit pa sa pag-iyak ang gagawin ko…kapag nawala ka sa buhay “KO”?

Kung gusto mong umiyak para sa kanya, pero ayaw mong makita ka niya...sige, sasamahan kita. Pero sa ilalim ng ulan---para hindi mo naman makita...yung mga luha ko...para sa iyo.

Kung kailangan mong umiyak para sa kanya…pero ayaw mong makita nya, sasamahan kita sa ilalim ng ulan… para hindi mo rin makita yung luha ko… para sa’yo…
  
“Kung kaya ko lang gumawa ng himala, hindi ka na makararamdam ng kahit anong takot. Papalitan ko ng saya ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Mahalaga ka kasi sa akin at nasasaktan rin ako kapag nakikita kitang nahihirapan. Kaya’t lagi mong tatandaan na anumang takot ang iyong nararamdaman, ako’y narito lang para sa iyo at hinding-hindi ka mag-iisa.”
  
Kung lahat ng tao naba-bad trip magmahal, eh di huwag ka na rin magmahal…masasaktan ka lang…iiyak pa…hindi mo kaya! Kaya tingnan mo ako ngayon! Nasaan? Di’ba nawawala?

Kung lahat ng tao sa mundo kagaya mo, ayoko na tumira sa earth. Lilipat na ako ng planet kasi kung lahat ng nilalang kapareho mo mahihirapan ako...aba! Mahirap mahalin buong mundo!
  
Kung lahat sila galit sa’yo, lahat sila ayaw sa’yo...hindi ako. Dahil kahit kalaban mo man buong mundo, kasama at kakampi mo ako dahil ako handang mamatay para sa’yo...

No comments: